ALINSUNOD sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inilarga ng Kamara ang “Biyaheng Damayan: Libreng Sakay Mula sa Kongreso” bilang tugon sa mabigat na epekto ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa inisyatiba ni House Speaker Faustino Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos, idinispatsa ang apat na naglalakihang bus na biyaheng San Jose del Monte, Bulacan patungo sa Welcome Rotonda sa Quezon City.
“This is about making sure that government response is felt where it matters most—in the daily lives of our people. Habang tumataas ang presyo ng langis at pamasahe dahil sa mga pangyayaring wala sa ating kontrol, tungkulin nating tiyakin na may agarang tulong para sa ating mga kababayan,” wika ni Marcos.
“The program is fully aligned with President Ferdinand R. Marcos Jr’s broader economic strategy, which mobilizes all agencies of government to mitigate the effects of external shocks on the domestic economy,” dugtong ng House majority leader.
“This libreng sakay initiative is part of the President’s whole-of-government approach to protect the purchasing power of Filipino families. Hindi pwedeng puro long-term solutions lang. Kailangan may agarang ginhawa para sa mamamayan habang inaayos natin ang mas malaking usapin sa ekonomiya.”
Inaasahan ang biyahe ng apat na bus sa “peak hours (umaga at hapon) tuwing araw ng Lunes,Huwebes at Biyernes .
Sa liham ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kay House Secretary-General Cheloy Velicaria-Garafil, sinasang-ayunan ng naturang ahensya “Biyaheng Damayan: Libreng Sakay mula sa Kongreso” project nang hindi na kailangan pang mag-isyu ng special permit.
