PAGBAHA at kakulangan sa sanitasyon ang nakikitang dahilan sa paglobo ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng dengue sa lungsod ng Maynila. Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Manila Health Department (MHD), pumalo na sa 3,555 confirmed dengue cases ang naitala mula Enero hanggang Oktubre 5, sa lungsod ng Maynila. Bukod sa dengue, nakapagtala rin ang naturang tanggapan ng 2,100 “influenza-like illness,” 478 kaso ng severe acute respiratory infection (SARI) at 1,612 sa leptospirosis. Sa isang kalatas, tiniyak ng MHD ang patuloy na monitoring sa iba pang pang respiratory, waterborne at foodborne illnesses. Panawagan ng lokal na pamahalaan sa mga residente sa lungsod, panatilihin ang kalinisan at agad magpakonsulta sa sandaling makaramdam ng mga sintomas. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Casino Filipino ibebenta, UHC funding apektado