Ni LILY REYES
MAAGANG pinauwi ng pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga empleyado sa punong tanggapan sa Quezon City makaraan makatanggap ng tawag hinggil sa di umano’y bombang sasabog.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), personal na nagtungo sa kanilang tanggapan ang ilang DENR personnel dakong alas 11:00 kaninang umaga – hudyat para palabasin lahat ng empleyado ng naturang departamento.
Agad naman nakipag-ugnayan ang BFP sa Quezon City Police District (QCPD) na mabilis nagpadala ng mga bomb experts sa DENR Central Office.
Sa pinakahuling abiso, kinansela na rin di umano ni DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga ang trabaho hanggat wala pang katiyakan na ligtas na ang lahat ng mga opisina sa loob ng DENR Compound.
