TALIWAS sa inaasahang pag-arangkada ng pinakamalaking proyekto ng gobyerno sa National Capital Region, kabi-kabila problemang posibleng magdulot ng pagkaantala ang kinakaharap ng Department of Transportation (DOTr) sa Metro Manila Subway na bumabaybay sa mga pangunahing lungsod sa rehiyon.
Pag-amin ni Transportation Secretary Jaime Bautista, hindi pa rin nareresolba ang usapin sa right-of-way ng proyekto.
“Mayroon isang station may tatamaan… building na pag-aari ng Department of Education… [which is] considered an important cultural property,” wika ni Bautista.
Bukod aniya sa gusali ng DepEd, problema rin ang pagtutol ng mga may-ari ng bahay na tatamaan ng Metro Manila Subway project.
Batay sa datos ng departamento, nasa 55% pa lang ng right-of-way ang natugunan ng kagawaran.
“We are on top of these. We are expecting to resolve all these right-of-way issues in due time. But still, we’re expecting that we should be able to complete this project by 2029,” aniya pa.
Samantala, may nakikitang solusyon sa pagkaantalang dulot ng right-of-way si Transportation Undersecretary for Railways Jeremy Regino.
Ayon kay Regino, maaaring gamitin ng estado ang kapangyarihan na maghain ng expropriation proceedings sa mga property owners na magma matigas makipag tulungan sa gobyerno.
