HINDI pwede ang patulog-tulog sa pagbabantay ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento sa bansa, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel matapos mabuking ng mga kawani mula sa Bureau of Plant Industry (BPI) ang panibagong tangka magpuslit ng mga bulok na isda mula sa bansang China.
Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni Laurel ang 19 na container vans na ipinarating ng Straradava sa South Harbor sa lungsod ng Maynila. Aniya, pawang frozen mackerel ang laman ng mga naturang container.
Batay sa deklarasyon ng consignee, frozen fried taro sticks at taro sweet potato balls ang laman ng kargamentong dumating sa pantalan noong Enero 21.
Sa pagtataya ni BPI Director Gerald Glenn Panganiban, hindi bababa sa 550 toneladang frozen mackerel ang laman ng 19 container vans – bagay na agad na pinagbigay-alam sa Bureau of Customs (BOC) na may hurisdiksyon sa mga daungan ng kargamento.
“This is a clear message to those who think they can get away with trifling with the law— we are watching you closely. We are fully committed to enforcing the Anti-Agricultural Economic Sabotage Act to protect consumers, safeguard our farmers, and preserve government revenues,” wika ni Laurel.
Naglabas na rin ng alert order ang Plant Quarantine Service sa iba pang kargamento ng Straradava.

Karagdagang Balita
Scam hub sa Malate bistado, 39 arestado
ICI kinalampag, graft probe buksan sa publiko
Arson hinala ni Remulla sa nasunog na DPWH office