
HINDI natinag ang Court of Appeals (CA) sa inihihirit ng negosyanteng si Cedric Lee na ikonsidera ang desisyon ng Taguig City Regional Trial Court noong 2022 na nagbasura sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa laban sa kanya at anim na iba pa ng komedyante at television host na si Vhong Navarro.
Ibinasura ng korte ang apela ng kampo ni Lee.
Bukod kay Lee, kinasuhan din ng paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code sa Taguig RTC sina Deniece Millinette Cornejo, Bernice Cua Lee, Simeon Palma Raz Jr., Jose Paolo Gregorio A. Calma, Sajed Fernandez Abuhijleh, at Ferdinand Guerrero.
Ayon sa korte, gumamit ng armas ang mga akusado nang ikulong si Navarro sa condominium unit ni Cornejo sa Bonifacio Global City. Bukod dito ay sinaktan, pinagbantaang papatayin at humingi umano ng pera ang mga akusado kay Navarro.
Base sa reklamo, humingi ng P2 milyon sina Lee pero pumayag si Navarro na magbigay ng P1 milyon.
Ibinasura ng Taguig RTC ang apela ni Lee kaya naghain ito ng motion for reconsideration sa CA.