November 4, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

Maria Ressa, RHC absuwelto sa kasong tax evasion

Courtesy: Brittanica

INABSUWELTO ng Pasig court si Nobel Peace Prize laureate at Rappler chief executive officer Maria Ressa at ang Rappler Holdings Corporation (RHC) sa tax evasion charges ngayong Martes.

Sa kanyang 18-pahinang desisyon, sinabi ni Pasig City Regional Trial Court Branch 157 Presiding Judge Ana Teresa Cornejo-Tomacruz, na napatunayan na hindi lumabag ang mga akusado.

Sinabi pa ng korte na ang RHC ay hindi umanon tumayong dealer sa securities nang mag-isyu ang mga ito ng PDRs sa North Base Media kung saan ang mga transaksiyon ay sa layunin bilang holding company lamang.

“RHC did not sell the PDRS to NBM in the regular course of its business to gain profit, but issued the PDRS as part of a larger scheme to legally raise capital for its subsidiary. It is thus not liable to pay VAT on these transactions under Section 105 of the Tax Code,” saad ng desisyon ng korte.

Ang kaso sa Pasig court ay isa lamang sa limang tax cases na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa Rappler Holdings Corporation at kay Ressa.

Dahil sa pagbasura ng korte, hindi na umano maaaring umapela ang proseksyon sa aspetong criminal dahil paglabag na umano ito sa batas sa double jeopardy rule.

Sa kanilang panig, sinabi ng Rappler na ang kanilang panalo ay panalo ng lahat na patuloy na naniniwala na ang malaya at responsableng pamamahayag ay nakapagpapalakas ng komunidad at nakapagpapatatag sa demokrasya.

“We share this with our colleagues in the industry who have been besieged by relentless online attacks, unjust arrests and detentions, and red-tagging that have resulted in physical harm. We share this with Filipinos doing business for social good but who, like us, have suffered at the hands of oppressive governments,” ayon pa sa statement na inilabas ng Rappler.