
HINDI na nakapalag sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dayuhang kaugnay ng P400–million large-scale estafa sa kasong large-scale investment scam sa South Korea.
Kinilala ani NBI Director Jaime Santiago ng dayuhang suspek sa pangalang Nam Sung Jin na dinakip sa Pasay City ng Fugitive Search Unit, sa hiling na rin ng Supreme Prosecutors’ Office ng South Korea.
Ayon kay Santiago, si Nam ay target ng warrant of arrest na inisyu ng Changwon District Court, Miryang Branch sa South Korea noong 2024 dahil sa paglabag sa Korean Criminal Act, partikular sa investment fraud.
Batay sa rekord ng Bureau of Immigrtion, lumalabas na nakapasok si Nam sa Pilipinas gamit ang investor visa. Pakilala umano ni Nam, isa siyang foreign investor na may mga negosyo sa Pilipinas at South Korea.
Kabilang umano sa mga naging biktima ni Nam ang isang negosyanteng nahuthutan ng hindi bababa a P400 milyon na gagamitin umano bilang dagdag-puhunan sa negosyo.
Pansamantalang mananatili ang dayuhang suspek sa BI detention facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang inaasikaso ang deportation ni Nam pabalik sa South Korea. (ITOH SON)