
ANG inakalang hidwaang limitado sa pagitan ng mga Binay at Cayetano, mas tumindi pa matapos literal na ikandado ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang Makati Park and Garden sa Barangay West Rembo at Comembo.
Sa ipinaskil na karatula sa entrada ng Makati Park, iginiit ng lokal na pamahalaan ng Taguig na ipinasara ang naturang pasilidad dahil sa kawalan ng permit. Hindi na rin umano nagagamit ang parke na di umano’y ginawang garahe at imbakan ng mga heavy equipment at iba pang kagamitan ng Makati city government.
“The said park and garden, which has been effectively closed as a park by Makati and used as a garage for its heavy equipment and storage for various objects, is subject to Taguig’s jurisdiction which has the right to possess and administer the same notwithstanding Makati’s unlawful possession,” ayon sa kalatas ng lokal na pamahalaan ng Taguin.
Nanindigan naman ang Makati na sila ang naturang pasilidad, kasabay ng pangakong gagawin nila ang lahat ng legal na hakbang para protektahan ang pag-aari ng lungsod.
Babala pa ng Makati, posibleng magkagulo kung magpupumilit ang Taguig na okupahan ang nasabing pasilidad.
“Should there be violence, it will be blood on Taguig’s hands,” ayon sa sa kalatas ng Makati, kasabay ng panawagan sa mga kinauukulan ahensya ng pamahalaan na pumagitna sa sigalot.
“Walang puwang ang ganitong asal sa ating makabagong lipunan. The Taguig authorities should be censured by the concerned national agencies.”
Disyembre 2021 nang magpasya ang Korte Suprema na ilipat ang pangangasiwa sa 10 barangay ng Makati sa Taguig.