ARESTADO sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nagpakilalang kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), kinilala ang suspek sa pangalang Norman Mangusin, isang vlogger na higit na kilala sa pangalang Francis Leo Marcos.

Batay sa impormasyon ng pulisya, inaresto Mangusin sa isang resort at casino sa New Seaside Drive, Barangay Tambo Paranaque City sa bisa ng isang warrant of arrest kaugnay ng kasong cyberlibel.

Pumutok ang pangalan ni Mangusin sa panahon ng pandemya matapos ilunsad ang tinaguriang Mayaman Challenge — isang gimik na nagbigay-daan para ipakilala ang sarili bilang isang lihim na anqak ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Gamit ang pangalang Francis Leo Marcos, kumandidato si Mangusin para sa posisyon ng senador noong 2022.

Dati na rin dinakip si Mangusin kaugnay ng 12 counts ng “unjust vexation” na isinampa ng isang kapwa vlogger.

Kasalukuyang nakapiit si Mangusin sa Camp Crame habang hinihintay ang paglabas ng commitment order mula sa korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *