PATULOY na pananalasa ng mga nagdaang bagyo pa rin ang nakikitang dahilan sa likod ng patuloy na pagsirit sa presyo ng mga gulay sa merkado.
Sa Metro Manila, pumalo na rin sa P550 kada kilo ang bentahan ng sili — 11 ulit na mas mataas kumpara sa P50 kada kilo noong mga nakalipas na araw.
Bago pa man napansin ang sukdulang pagtaas sa presyo ng sili, una nang inireklamo ng mga mamimili ang higit sa dobleng presyo ng carrots, kamatis, ampalaya, talong, bitsuelas, sibuyas, bawang at iba pang karaniwang iniluluwas sa Maynila mula sa mga lalawigan sa hilagang bahagi ng bansa.
Sa price monitoring ng pribadong sektor, umakyat na sa P120 kada kilo ang bentahan ng carrots na dating lang binebenta sa halagang P80. Nasa P120 naman ang presyo kada kilo ng kamatis mula sa dating P50, habang P150 na ang kada kilo ng talong mula sa dating P80.
Hindi rin nakalusot sa pagsirit ng presyo ang ampalaya na binebenta na sa halagang P150 kada kilo mula sa dating P70. Nasa P130 kada kilo ang bentahan ng bitsuelas mula sa dating P60.
Bukod sa mga konsyumer, umaaray na rin ang mga tindero. Anila, pahirapan ang pagbebenta ng mga gulay dahil na rin sa taas ng presyo. Kaya ang kanilang solusyon — ibagsak presyo na lang kahit bahagyang malugi kesa tuluyang
