MATAPOS ang matagumpay na operasyon laban sa tatlong Chinese nationals na nasa likod ng cryptocurrency scam, kalaboso naman sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Koreano na umano’y sangkot sa malawakang illegal online gambling operations sa Asya.
Sa kalatas ng BI, timbog ang dalawang hindi pinangalanang Koreano sa magkahiwalay na operasyon sa mga lungsod ng Makati at Parañaque.
Unang diankip ang 38-anyos na babae sa Makati, na sinasabing nasa likod ng 23 online gambling websites.
Sumunod namang dinampot ang isang 48-anyos na lalaki sa Parañaque, na pinaghihinalaang nagpapatakbo rin ng ilegal na betting site para sa mga sporting event.
Ayon sa ahensya, kapwa nasa red notice list ang dalawang dayuhan na nasa kustodiya ng ahensya habang inihahanda ang deportation proceedings.
