INARESTO ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 21-anyos na Russian vlogger na nagbantang magpakalat ng ng HIV sa Pilipinas.
Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang banyagang suspek sa pangalang si Nikita Chekhov na inaresto ng mga operatiba sa loob ng tinutuluyang condo unit sa Quezon City.
Batay sa rekord ng kawanihan, dumating sa Pilipinas si Chekhov bilang turista noong Enero 15 at agad nag-upload ng videos mula Taguig City, kung saan ipinahayag ang balak na ikalat ang HIV.
Para kay Viado, ang mga video ay “rage-bait” content na nagdulot ng takot sa publiko.
“Foreign nationals who come to the Philippines to spread alarm, disrespect our people, or abuse our hospitality are not welcome and will face deportation,” wika ng Immigration chief.
Kasalukuyang nakapiit si Chekhov sa immigration detention facility sa Camp Bagong Diwa habang inihahanda ang deportation proceedings. (JULIET PACOT)
