MATAPOS ang pitong taon, balik-selda si dating Senador Bong Revilla bunsod ng mga kasong kriminal kaugnay ng flood control scandal.
Kasama si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, ibiniyahe si Revilla sa Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City sa bisa ng commitment order na inilabas ng Sandiganbayan Special Third Division, isang araw matapos kusang-loob na sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Lunes ng gabi.
Bukod kay Remulla, sinamahan din ang dating senador ng kanyang asawa’t anak na kapwa kongresista.
Samantala, tiniyak ng DILG chief na walang probilehiyong VIP treatment si Revilla.
Sa isang pulong balitaan, inamin ng Kalihim na malapit niyang kabigan si Revilla. Katunayan aniya, sa kanya mismo tumawag ang dating senador para humingi ng payo sa kinasasangkutan kaso.
“Ang sabi ko sa kanya, mas mainam kung kusang-loob na lang siyang susuko.” (LILY REYES)
