
PALAISIPAN sa pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) kung paano nakapasok sa bansa ang nasa 17 mamahaling sasakyan na tumambad sa isang bodega sa Makati City.
Sa ulat ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), hindi bababa sa P366 milyon ang kabuuang halaga ng 17 luxury cars na kinumpiska sa bisa ng pinagsanib na operasyon ng BOC at Task Force Aduana ng Philippine Coast Guard.
Kabilang sa mga inabutan sa naturang bodega ang mga sumusunod:
- Ferrari 488 Spider
- Ferrari 812 Superfast
- Porsche Targa
- Mercedes-Benz G63 AMG
- BMW M4
- Lexus LC500
- Porsche Cayenne
- Bentley Bentayga
- Land Rover Defender
- Audi RS Q8
- McLaren 720S
- Ford Explorer
- Li Xiang L7 SUV
- Abarth 595 Competizione
- MV Agusta Brutale 1000RR motorcycle
- Toyota Alphard (2 units)
“I can confirm that our intelligence agents conducted an operation after receiving information regarding this showroom in Makati. We discovered several high-end luxury cars and are currently verifying the importation documents for these vehicles,” wika ni BOC-CIIS Director Verne Enciso.
Bago pa man ang naturang operasyon, una nang sinalakay ng BOC dalawang bodega sa Pasay at Paranaque kung saan nasa P1.4-bilyong halaga ng mga smuggled cars ang sinamsam.