PINABORAN ng Manila Regional Trial Court ang hiling ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., na makapaglagak ng piyansa kaugnay ng kasong murder.
Sa 27-pahinang resolusyon ng Manila RTC Branch 30, binigyang pahintulot ni Judge Ryan Philipp Bartolome si Teves at dalawa pang akusadong sina Richard Cuadra at Rolando Pinili mag piyansa para sa pansamantalang kalayaan.
Sa atas ng korte, nagtakda ang Manila RTC ng P250,000 bail para kina Cuadra at Pinili, habang P500,000 naman ang halagang kailangan ipangilap ng dating kongresista.
Sina Teves, Cuadra at Pinili ang itinuturong nasa likod ng pagpatay sa isang Pacito Libron noong Hunyo 23, 2019 sa Bayawan City.
Gayunpaman, mananatiling nakapiit na rin si Teves dahil sa iba pang kasong kriminal — kabilang ang illegal possession of firearms and explosives, at terrorism financing.
Una nang pinawalang-sala ng Manila RTC si Teves sa kasong murder sa bisa ng inihaing demurrer to evidence.
