NANG pagtibayin ang Republic Act 6975 na nagbigay daan sa pagtataguyod ng Philippine National Police (PNP), malinaw na nakasaad ang katangian ng pambansang kapulisan — civilian agency.
Tama ang nabasa niyo. Ang PNP ay isang civilian agency in nature. Pero sa kaso ng Eastern Police District (EPD), estilong batas militar ang umiiral — na para bang sibilyan pa ang dapat magsilbi sa kanila.
Malinaw ang nakasaad sa batas na lumikha ng PNP — ang mga pulis ang magsisilbi at magbibigay proteksyon sa mga sibilyan.
Taong 1998, inaprubahan ng yumaong Pangulong Fidel V. Ramos ang RA 6975 na nagtulak ng reporma sa pambansang pulisya. Kalakip ng naturang batas ang propesyonalism sa hanay ng mga unipormadong alagad ng batas.
Ang tanong — nangingibabaw ba sa PNP ang propersyonalism? Ang sagot — oo, pero hindi sa EPD kung saan pawang suplado ang mga pabibong nasa pwesto.
Minsan na natin tinalakay sa ating pitak ang kahalagahan ng matibay na ugnayan ng pulisya at mga sibilyan — kabilang ang hanay ng media.
Mandato ng PNP tiyakin ang kaayusan ng lipunan. Ang siste, tila nagtatago lang sa kani-kanilang tanggapan ang mga EPD officials kabilang so EPD Director Aden Lagradante.
Maging ang itinalagang punong-abala sa aspeto ng public information na nagngangalang Major Agtarap, level-up ang pagiging mailap. Parang mga trapo (traditional politician) ang dating — madaling lapitan, mahirap hanapin.
Tatlong ulit nang nagpalit ng information officer ang EPD pero ang hiling na courtesy call ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps tablado kay Lagradante.
Ano ba ang meron sa EPD at tila ayaw humarap sa mga lehitimong tagapagbalita.
Parang mas madali pang kumuha ng appointment kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez kesa kay Lagradante. Masyadong mailap at sadyang suplado lang sa personal?
Kosang Non, Alquitran, baka pwedeng endorso natin ang Pamamarisan Press Corps ang hiling na courtesy call kay chief PNP. Tablado kasi ang media sa EPD.
