UMUKIT ng panibagong record ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo matapos ibuslo ang ang ikalawang gold medal para sa kategorya ng men’s artistic gymnastic vault sa 22rd Summer Olympics sa Paris, France.
Una nang nakasungkit ng gintong medalya si Yulo na wagi sa men’s floor exercise.
Sa natamong tagumpay ni Yulo, nahanay ang pangalan ng 24-anyos na atleta sa kasaysayan ng Pilipinas bilang kaisa-isang Pinoy Olympian na nanalo ng dalawang medalya sa loob lang ng isang araw.
Sa ipinamalas na liksi at sigla ni Yulo, ginawaran ang hindi katangkarang Pinoy athlete ng 15.116 points sa vault routine – malayo sa 14.966 na nakuha ni Artur Davtyan ng Armenia at 14.949 ni Harry Hepworth ng Great Britain.
Sa medal tally, nilampasan na rin ng Pilipinas ang sariling record sa Tokyo Olympics kung saan nagtapos ang Team Pinas sa iskor na isang medalyang ginto, dalawang pilak at isang tanso.
Bukod kay Yulo, tiyak na rin ang medalya nina Pinoy boxers Aira Villegas at Nesthy Petecio na wagi sa kani-kanilang laban.
