HINDI na nakuha pang pumalag ng isang 64-anyos na driver ng ambulansya matapos makunan ng droga sa pantalan ng Matnog, Sorsogon nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ang nadakip na si alyas Fred, may-asawa, residente ng Barangay Kitakobong, Alamada, North Cotabato, at kawani ng gobyerno bilang driver ng ambulansya.
Nadakip ang suspek sa routine passenger profiling operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Interdiction Unit, PDEA K9 Unit, Port Police Division TMO Matnog, at Philippine Coast Guard Matnog Sub Station sa pantalan.
Ayon kay Carlo Fernandez lll, tagapagsalita ng PDEA-5, nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang pakete ng shabu, transparent glass tube at iba pang drug paraphernalia.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 laban sa nasabing ambulance driver.

Karagdagang Balita
Yosi smuggling bistado sa Palawan
100 mag-aaral at guro, nalason sa pagkain
P43M marijuana silat sa Taytay, suspek arestado