PANSAMANTALANG sinuspinde ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang biyahe ng Cebu Pacific sa Bicol International Airport in Daraga, Albay dahil sa bomb joke.
Sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na ang bomb joke ay ay ginawa sa Cebu Pacific Airlines Flight 5J 326 habang nasa runway pa ang eroplano.
Bandang alas-10:45 ng umaga nang makita ang sulat sa comfort room ng eroplano.
Dahil dito, isinara ang runway at pinababa ang lahat ng pasahero.
Inisa-isang ininspeksiyon ng CAAP at airport personnel ang mga bagahe ng pasahero. Sinuspinde rin ang sampung flights.
Bandang alas-2 na ng hapon nang maibalik sa normal na operasyon ang Bicol International Airport.
Walang nakitang bomba ang awtoridad subalit patuloy pa rin ang imbestigasyon.
Humingi na ng tulong ang aviation group sa Philippine National Police (PNP), Aviation Security Group.
Karagdagang Balita
LAND GRABBING BULILYASO: 23 SIKYU TIMBOG SA ANTIPOLO
13 CHINESE NATIONALS SILAT SA MINAHAN SA HOMONHON
GAS STATION SINALPOK, KOREANO TIMBOG