
NI EDWIN MORENO
SA sumbong ng nakaupong alkalde ng Cebu City, inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang radio broadcaster na naghain ng kandidatura para sa posisyon ng mayor sa naturang lungsod.
Sa ulat ng CIDG sa Cebu City, kinilala lang ang suspek sa pangalang Roger na di umano’y nag-alok kay Cebu City Mayor Gerald Anthony Gullas ng pag-atras sa kandidatura kapalit ng P4 milyon.
Dinakip din ang isa pang hindi pinangalang suspek na nagpakilalang staff ng radio broadcaster.
Sa ulat na ipinadala kay CIDG Director Police Brig Gen Nicolas Torre III, nadakip ang suspek dakong alas 2:30 ng hapon sa bisa ng isang entrapment operation ng CIDG Regional Field Unit 7 sa isang shopping mall sa Barangay Lawaan ng nabanggit na lungsod.
Base sa reklamo ni Mayor Gullas, kinausap umano siya ni Roger at humihingi ng P4 milyon kapalit ng pag-atras nito sa pagkandidato bilang Mayor sa Talisay City.
Wala pang pahayag ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) hinggil sa naturang insidente.