SA hangarin paghandaan ang napipintong pagsabak sa usapin ng national security, bumalangkas si FPJ Panday Bayanihan partylist first nominee Brian Poe ng isang case study kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa gawing kanluran ng bansa.
Sa isang simpleng seremonya, pormal na iginawad ni National Intelligence Coordinating Council Director General Ricardo F. De Leon ang certificate of recognition kay Poe para sa inakdang case study hinggil sa West Philippinr Sea.
Pag-amin ni Poe, hindi sapat ang tinapos na masteral degree on public administration para lubos na maunawaan ang usaping bumabalot sa seguridad ng bansa sa gitna ng lumalalang tensyon sa karagatang inaangkin ng bansang China.
Ito aniya ang dahilan sa likod ng kanyang pagpupursigekumuha ng pangalawang masteral degree on national security sa National Defense College of the Philippines.
Ang nakakaengganyong karanasan, aniya pa, ay nagbigay sa kanya ng mas malawak na pang-unawa at kaalaman sa larangan ng counter intelligence mula sa henerasyon ng mga lider na naninindigan sa karapatan at soberanya ng Pilipinas.
Kinilala ni Poe ang dedikasyon ng mga tauhan ng NICA, na aniya’y walang pagod na nagtatrabaho sa likod ng mga eksena upang protektahan ang bansa.
“Nagpapasalamat ako na nakilala ko ang aking mga kaklase, na tahimik na naglilingkod at nagpoprotekta sa ating bansa mula sa mga banta,” dugtong ni Poe.
Matatandaan na ininahagi Poe ang sariling pananaw ukol sa West Philippine Sea sa isang executive meeting na dinaluhan ng mga dalubhasa sa temang “The China Challenge.
Sa kabila ng alitan sa West Philippine Sea, ipinaabot ni Brian Poe ang kanyang mga alalahanin tungkol sa kontrol ng Tsina sa ekonomiya ng Pilipinas. Matapos maglingkod sa ilalim ni Senator Grace Poe sa Public Services Committee sa loob ng ilang taon, napansin din niya ang maraming kahinaan.
Nagbigay siya ng mga halimbawa ng mga isyu sa pambansang seguridad kaugnay ng produksyon ng enerhiya, imprastruktura na may kaugnayan sa tubig, at telekomunikasyon.
.
