
HINDI lang flood control projects ang kailangan suriin ng pamahalaan, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos personal na masaksihan ang perwisyong dulot ng naka tenggang flyover project sa bayan ng Pavia sa Iloilo.
Partikular na tinukoy ni Marcos ang Aganan flyover na sinimulan itayo taong 2019 sa ilalim ng administrasyon ni former President Rodrigo Duterte.
Aniya, hindi biro ang perwisyo sa negosyo at kabuhayan ng mga mamamayan bunsod ng matinding trapik dahil sa nakatenggang proyekto.
Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), napag-alaman na sadyang pinatigil ang paggawa ng flyover dahil sa nasilip na sablay sa disenyo, bukod pa sa mahinang pundasyon ng istruktura.
Bukod sa Aganan flyover, inatasan ni Marcos ang DPWH na imbestigahan ang isa pang flyover sa Iloilo City na hindi mapakinabangan ng mga motorista bunsod ng “structural issues.”