
PINURI ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang agarang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa apat na kawani ng Sta. Cruz (Davao del Sur) Civil Registrar’s Office na sangkot umano sa pagbibigay ng Philippine birth certificate sa mga Chinese nationals.
Para kay Adiong, dapat tutukan ang nasabing irregularidad lalo pa’t posibleng bahagi ng mas malawak na sindikato ang nabistong modus.
Hirit ng kongresista sa Kamara, mas malalim na imbestigasyon sa hangaring ilantad ang mga tinawag niyang kapural sa likod ng sindikato.
“While this is a good first step, we must not stop with just one office. This kind of syndicate work could not have thrived without a broader network. We should look for similar operations in other parts of the country, especially during the Duterte administration when Chinese influence grew unchecked,” wika ng ranking House official.
Sinampahan ng kasong falsification at cybercrime ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na empleyado ng civil registrar sa Sta. Cruz sa lalawigan ng Davao del Sur sa umanoy pagbibigay ng pekeng birth records sa mga Chinese nationals para magkaroon ng karapatan sa bansa gaya ng mga Pilipino.
Ginamit ang mga pekeng dokumento upang makakuha ng pasaporte, na nagbigay-daan sa mga dayuhan makapasok at legal na makapagtrabaho sa bansa.
“Any Filipino who helps a foreign national – especially someone from a country aggressively encroaching on our territory – commits fraud and should be ashamed of themselves. This isn’t just a case of corruption. This is treason,” giit ni Adiong.
Aniya, ang eskandalo ay nagpapakita ng tensyon sa pagitan ng “Team Pilipinas at Team China,” kasabay ng hirit na ilantad ang pagkakakilanlan ng mga Pilipinong kumakampi sa dayuhang interes kapalit ng pambansang seguridad.
“Team Pilipinas is fighting to protect our sovereignty, our identity, and our future. Team China is playing the long game, trying to infiltrate our systems one fake birth certificate at a time. Anyone helping them is not neutral – they are an active part of the problem,” sambit pa ng Lanao del Sur solon.
Nanawagan naman ang mambabatas sa Department of Justice (DoJ), Philippine Statistics Authority (PSA), at Department of Foreign Affairs (DFA) na magsagawa ng masusing pagsusuri sa lahat ng birth records na inilabas sa nakalipas na sampung taon sa mga lugar kung saan may mataas na bilang ng mga migranteng Chinese.
“Look at other local civil registrar offices. Look at immigration records. Look at who’s getting passports under fake names. This may just be the tip of the iceberg,” saad ni Adiong.
Hinimok din niya ang Bureau of Immigration (BI) na suriin ang mga alien employment permit at investor visa laban sa posibleng pekeng pagkakakilanlan.
“Ang mga opisyal na nagpaparami ng dayuhang may pekeng papeles ay hindi dapat manilbihan sa pamahalaan. Kung tapat ka sa bayan, hindi mo ito ipagkakanulo sa kapalit ng pera,” ani Adiong.
Dagdag pa niya, mawawalan ng saysay ang mga pagsisikap na gawing Pilipino ang industriya, protektahan ang mga trabaho sa bansa, at palakasin ang digital identity systems “kung ang mga dayuhan ay madaling makabili ng kanilang pagkakakilanlan bilang Pilipino.”
“Lahat ng Pilipinong sangkot sa ganitong modus ay dapat kasuhan. Hindi natin pwedeng palampasin ito. Walang puwang sa gobyerno ang mga traydor,” bulalas pa ni Adiong.
Ipinunto rin niya ang implikasyong pang-geopolitika ng pagpapahintulot sa mga Chinese nationals na makapasok sa Philippine system gamit ang mga pekeng dokumento at tinawag niya itong “national security red flag.”
“This is about our national integrity. We owe it to every Filipino to defend our systems from being weaponized by a foreign power.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)