
KASUNOD ng pagpapalayas ng gobyerno sa mga illegal Philippine online gaming operators (POGO), lubhang naapektuhan ang real estate sector.
Gayunpaman, tiniyak ng pamunuan ng Kamara na isusulong — sa bisa ng mga panukalang batas — ang mga mekanismong magbibigay-daan para muling palakasin negosyong nagpapatatag sa ekonomiya ng bansa.
Sa pagdalo ni House Speaker Martin Romualdez sa 25th Anniversary Gala ng RE/MAX Philippines, na ginanap sa Grand Ballroom ng Shangri-La The Fort Hotel sa Bonifacio Global City, kinilala ng lider ng KAmara ang ambag ng naturang sektor sa kaunlaran at pagbibigay ng malawak na oportunidad sa mga pamilyang Pilipino.
“As Speaker of the House of Representatives, I fully recognize the vital role that real estate plays in our economy,” wika ng lider ng 306-strong House of Representatives.
“That is why we in Congress continue to support policies that foster a strong, competitive, and sustainable real estate sector—ensuring that businesses like RE/MAX thrive and that homeownership remains an achievable dream for many Filipinos,” dugtong ng lider-kongresista.
Para kay Romualdez, ang makalipas na 25 taon ng RE/MAX ay hindi lang nagpapakita ng katatagan sa mahabang panahon. Patunay rin aniya ito ng kahusayan at pangunguna sa real estate industry ng bansa.
“For a quarter of a century, RE/MAX has set the benchmark for professionalism, integrity, and success in real estate. Your unwavering commitment to service has helped countless Filipinos find homes, build businesses, and make sound investments—contributing significantly to economic growth and nation-building,” dagdag ng House Speaker.
Binati rin ni Romualdez ang RE/MAX Philippines sa nakamit sa global stage kung saan pinarangalan din niya sina Eddie Santos, Jun Camcam, at Marissa Garcia, na silang kinilala bilang top global brokers sa nakaraang RE/MAX R4 2025 Convention sa Las Vegas.
“Out of 140,000 real estate agents globally, you have emerged as leaders—not just for RE/MAX, but for the entire Philippine real estate industry. Your achievements inspire others to strive for greater heights, proving once again that Filipino professionals are among the best in the world,” ani Romualdez.
“May you continue to be a driving force in shaping the future of real estate in our country.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)