NIYANIG ng magnitude 6.1 na lindol ang Balut Island, sa Sarangani, Davao Occidental nitong Miyerkoles ng umaga, Nobyembre 22 ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang lindol ay tectonic in origin na tumama 10:48 ng umaga.
May lalim itong 137 kilometro at naitala ang sentro nito silangan ng Balut Island.
Naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II – Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL; Malungon, Glan, Alabel, Kiamba, SARANGANI; Tupi at T’Boli, SOUTH COTABATO;
Intensity I – Maitum, SARANGANI; CITY OF GENERAL SANTOS; Lake Sebu, SOUTH COTABATO
Inaasahan ang aftershock sa nangyaring lindol ngunit wala namang inaasahang pinsala kasunod nito.