UMAKYAT na sa 29 katao ang bilang ng nasawi sa paglubog ng MV Trishia Kerstin 3 sa karagatan ng Basilan matapos marekober ang 11 pang bangkay malapit sa Baluk-Baluk Island.
Ayon kay Captain Noemie Cayabyab, Spokesperson ng Philippine Coast Guard (PCG) patuloy na kinikilala ang mga biktima habang inaalam pa ang eksaktong bilang ng nawawalang mga pasahero.
Una nang lumabas ang ulat hinggil sa mga pasaherong hindi nakalista sa manifesto.
Ang mga bagong narekober na labi ay kasalukuyang sumasailalim sa retrieval procedure sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa sanhi ng trahedya, gayundin para matukoy ang responsable sa sinapit ng mga biktima. (JULIET PACOT)
