PATAY na rin nang matagpuan ang nag-iisang pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela na unang pinaniwalaang buhay.
Natagpuan ito malapit sa pinagbagsakan ng eroplano ngayong Linggo, ayon sa Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Sinabi ni Isabela PDRRMO head Constante Foronda, na ang biktima ay natagpuan bandang alas-9:15 ng umaga ng K-9 trackers may 200 metro sa ibaba ng dalisdis ng bundok mula sa wreckage.
Dadalhin ang mga lapit sa Tactical Operations Group 2 sa Cauayan City,
Ayon sa asawa ng biktima, hiniling nito na dalhin ang mga labi sa Palanan.
“It took more than 3 hours before we could release the information because we still had to notify the family of the passenger first,” ayon sa PDRRMO head.
Nauna nang natagpuan ng rescuers ang piloto ng Piper PA-32-300 ng Fliteline Airways.
Unang inulat na buhay ang biktima dahil nakakita ang rescuers ng silungan malapit sa crash site kaya’t agad itong hinanap katulong ang K-9 dog ngunit wala na ring buhay nang makita.