HINDI bababa sa P3.46-milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang sinamsam ng pinagsanib na pwersa mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isang operasyon sa bayan ng Sofronio Española sa lalawigan ng Palawan.
Sa ulat ng Philippine National Police Maritime Special Operations Unit, isang hindi pinangalanang indibidwal ang inaresto matapos mahuli sa akto ng pagpupuslit ng 2,750 reams ng imported na sigarilyo.
Sa pagtataya ng pulisya, pumapalo sa P3.46 milyon ang kabuuang halaga ng nasabat na kontrabando.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act. (EDWIN MORENO)

Karagdagang Balita
Driver ng ambulansya, swak sa droga
100 mag-aaral at guro, nalason sa pagkain
P43M marijuana silat sa Taytay, suspek arestado