Ni JAM NAVALES
BILANG bahagi sa paggunita ng ikalimang death anniversary ni multi-awarded actor at director Eduardo “Eddie” Garcia, na mas kilala ring bilang “Manoy Eddie,” inihain ni AGRI Partylist Rep. Wilbert “Manoy” T. Lee ang panukalang humihimok sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at the Cultural Center of the Philippines (CCP) na igawad sa yumaong aktor ang posthumous National Artist Award.
“As we commemorate the beautiful and meaningful life of Manoy Eddie, it is only fitting that we confer to him the National Artist Award that he truly deserves. Noon pa dapat ito naigawad sa kanya, at hindi na dapat ito pinagdedebatehan pa,” paggigiit pa ni Lee, na tinatawag ding “Manoy” sa kanyang GMA TV show “Si Manoy ang Ninong Ko.”
Katulad ni late actor Manoy Eddie, si Lee ay mula rin sa Sorsogon, Bicol kung saan lubos niyang kinikilala ang malaking kontribusyon ng namayapang celebrity sa malaking naiambag nito sa Philippine Arts, partikular sa kategorya ng Film and Broadcasting o Broadcast Arts.
Sa kanyang iniakdang House Resolution No. 1769, binigyan-diin ng AGRI partylist lawmaker na si Manoy Eddie ay “more than deserving to be conferred the National Artist Award given his unparalleled skills, talent and passion exemplified in his career in show business for seven decades.”
“Manoy Eddie’s outstanding works spanning from the 1940s until his last notable movie “ML” in 2018. He also highlighted the historic achievement by Manoy Eddie as the only individual to garner three-straight victory in the prestigious award-giving body, the Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS),”saad pa sa nasabing resolusyon.
“Institusyon na maituturing si Manoy Eddie sa larangan ng pelikulang Pilipino. Mapa-komedya man, action o drama, serye man sa telebisyon o sa pelikula, bilang aktor at director, pambihirang husay, talento, at propesyunalismo ang ipinamalas ni Manoy Eddie,” diin ni Lee.
“He served as a beacon of Filipino artistry which paved the way for other artists to pursue the arts and craft more stories that could last generations,” dagdag pa ng mambabatas.
Ani Lee, “dugo’t pawis ang inaalay ng mga artistang Pilipino tulad ni Manoy Eddie para sa kanilang sining. Maliban sa proteksyon sa kanilang trabaho, mahalaga na may karampatang proteksyon para sa kanila at pagkilala sa kasaysayan at kultura ang mga kontribusyon nila sa larangang buong puso nilang minamahal, pinaghuhusay at ipinaglalaban.”
“Ang pagbibigay ng nararapat na pagpupugay kay Manoy Eddie ay hindi lang pagkilala sa kanyang husay at obra, kundi magsisilbi ring inspirasyon sa iba pang mga artista sa pagpapabuti ng kanilang propesyon at talento na nagpapakilala sa husay ng mga Pilipino, hindi lang sa bansa, kundi maging sa buong mundo—pagkilala kung saan Winner Tayo Lahat!” sabi pa niya.
Samantala, nagpahayag din si Lee ng kanyang pagsuporta sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Republic Act No. 11996, na binansagan din bilang “Eddie Garcia Law” kung saan binibigayn ng halaga ang pagbibigay ng proteksyon at maayos na pagtrato sa mga nasa local movie and television industry.
Taong 2019 ng pumanaw si Manoy Eddie matapos na ma-coma sa loob ng dalawang linggo dahil sa tinamong cervical spine injury bunsod ng pagkakatisod sa isang kable habang nasa shooting ng GMA teleserye “Rosang Agimat,” ay noon ay 90 ma taong gulang.
