Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN
“SA wakas ay nagresign na din sa DepEd si VP Sara sana ay mas maaga niya ito ginawa.”
Ito ang bungad na pahayag ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro bilang reaksyon sa pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd)
“Sana ay mas maaga niya ito ginawa para makapaglagay ng isang kalihim ng DepEd na galing talaga sa sektor ng edukasyon at alam ang kanyang ginagawa,” dugtong pa ng teacher solon, na kasapi ng tinaguriang Makabayan bloc sa Kamara.
Ayon kay Castro, sa pagkakatalaga kay Duterte sa naturang departamento ng gobyerno, “nasayang ang mahigit dalawang taon para ayusin agad ang education crisis sa bansa at benepisyo at sahod ng mga guro at education support personnel.”
“In resigning her post from the NTF-ELCAC, we hope that the red-tagging agency would also be abolished. It is nothing but an apparatus of the state to violate human rights and spread fake news,” hirit pa ng ranking House minority official.
Sinabi rin ni Castro na ang resignation ni Duterte ay maaari ring maging simula ng “open war” sa pagitan ng kampo ni ex-President Rodrigo Duterte, na ama ng huli at kasalukuyang administrasyon.
“We hope that Pres. Marcos Jr. will immediately accept her resignation and appoint someone who would truly serve the education sector as its secretary,” pagtatapos ng ACT Teachers party-list solon.
