MATAPOS lisanin ang ere ng halos isang taon, nagbabadya ang pagbabalik-telebisyon ni Willie Revillame – pero hindi sa GMA Network tulad ng napabalita nitong mga nakalipas na araw.
Ang bagong tahanan ng programa ni Revillame – TV5 kung saan makakasama niyang muli sa isang istasyon ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Gayunpaman, hindi sa Eat Bulaga lalabas si Revillame na nakatakdang lumagda ng kontrata pagsapit ng buwan ng Abril.
Usap-usapan na rin sa naturang istasyon ang paghahanda sa pagpasok ni Revillame sa programang kahalintulad ng kanyang Wowowin sa GMA Network.
Mapapanood ang bagong programa ni Revillame, sa ganap na alas 2:30 hanggang alas 4:00 ng hapon, araw-araw.
Kamakailan lang, dumalo sa pulong si Revillame kasama ang mga corporate executives ng Kapatid Network, Mediaquest at Cignal TV.
