KAMI NAMAN. Bilang paghahanda sa nalalapit na Araw ng Kagitingan, idinaan sa makukulay na graffiti sa Caloocan, Navotas at Diliman (Quezon City) ng isang grupong nagpakilalang Ciente Benteng Mamamayan ang panawagan ng pagkakaisa para malampasan ang mga pagsubok na dala ng gulo, alitan at labis na pulitika. Paalala ng grupo – “Lahat tayong mga Pilipino ay iisang lahi… ating tandaan na mula Luzon, hanggang Mindanao, dapat isang boses lang tayo para iparating ang mensahe sa gobyerno. Kami naman ang pakinggan, Ciento Bente Milyong Mamamayan.”
