MULING sumigla ang lokal na turismo sa lungsod ng Tanauan sa lalawigan ng Batangas matapos ang pagbubukas ng isang natatanging atraksyon na akma sa panahon ng Kapaskuhan.
Sa idinaos na Christmas Lighting, bumida at lubos na kinagiliwan ng mga turista at mga panauhin ang pinakamalaking “immersive theme park” sa buong bansa — ang J Castle.
Sa loob ng 30-ektaryang pasyalan matutunghayan ang 19 Exhibits, bukod pa sa mga Castle Studio, Castle Pop at Castle Carnival
Bukod sa mga kastilyo, mabibighani naman ang sinuman sa Taal Lake View, sa linamnam ng Blue Burger, sa lights and sounds show sa amphitheater at marami pang iba.
Ayon kay JCastle General Manager Armi Cortes, may mga kaabang-abang pang atraksyon tulad ng mga makapigil-hiningang carnival rides at hotel para sa mga nais namnamin ang bawat sandali ng bakasyon.
Samantala, tiniyak naman ni GM Cortes ang seguridad at kapakanan ng mga turista at panauhin sa theme park. (ITOH SON)
