PIHADONG masusubukan ang sinseridad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) matapos dumulog ang isang online gaming player hinggil sa panggagantso ng online gaming platform ang tinamaan jackpot. Ang halaga — tumataginting na P433 milyon. Batay sa ulat na unang inilabas ng Bilyonaryo News Channel, personal na nagtungo ang hindi pinangalanang indibidwal sa National Bureau of Investigation (NBI) para humingi ng tulong laban sa Lucky Spin, isang online gaming app. Kwento ng biktima, natsambahan niya umano ang P433,628,506.38 ultimate jackpot prize ng Lucky Spin habang naglalaro sa online platform noong Marso. Sa kabila ng panalo, hindi umano ibinigay ng Lucky Spin ang premyo. Katwiran aniya ng Lucky Spin, “invalid” ang panalo dahil sa umano’y nangyaring “technical glitch” na dulot ng “system maintenance.” Ayon kay Atty. Mark Angelo Roque na tumatayong abogado ng biktima, mayroon nang obligasyon ang platform sa sandaling manalo ang isang player. “The moment na nanalo ka doon sa isa nilang game, pataya nila, meron na sila obligasyon, binding na ‘yun, ibigay nila kung ano ‘yung sinasabing napanalunan,” pahayag ni Atty. Roque. “Humihingi kami ng hustisya dito, ibigay nila kung ano ang dapat para sa kanya,” giit ng abogado. Wala pang pahayag ang Lucky Spin na sinasabing rehistrado sa Pagcor. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation P168-M relief fund ng OVP swak din sa Piattos gang?