USAP-USAPAN sa hanay ng mga overseas Filipino workers ang paglipat sa bansang Sweden kung saan pwedeng bumili ng lupa sa baryang halaga – P2.58 kada metro kwadrado.
Partikular na tinukoy ng iba’t ibang grupo ng OFWs na nakabase sa London ang paglipat kasama ang kani-kanilang pamilya para manirahan sa bayan ng Götene kung saan mismong ang pamahalaan ang nagbebenta ng murang lupa sa pagnanais itaas ang populasyon.
Sa anunsyo ni Mayor Johan Månsson ng Götene, bukas sa mga banyaga ang pagbili ng lupa sa halagang isang krona (katumbas ng P5.58) kada metro kwadrado.
Ayon sa alkalde, lubhang mababa ang birth rate sa nasasakupang lokalidad – bagay na dapat aniyang agad na tugunan sa paraan ng pag-akit sa mga nais manirahan sa naturang bayan.
Gayunpaman, may kondisyon si Mayor Månsson – kailangan agad na tayuan ng bahay ang nabiling lupa. Bahagi rin sa talaan ng kondisyones ang pagtira sa nasabing bayan.
Buwan pa ng Mayo nang umarangkada ang bentahan ng lupa sa Gotene.
