MULING pinatunayan ng isang Pilipino ang husay at determinasyon ng lahing kayumanggi matapos masungkit ang kampeonato sa larangan ng tennis.
“Congratulations, Alex! Once again, you have made your kababayan proud,” wika ni House Speaker Faustino Dy III sa makasaysayang panalo ni Filipino tennis star Alex Eala matapos patalsikin si defending champion Iga Swiatek ng Poland sa prestihiyosong Wimbledon tournament.
“Sa bawat panalo mo, ipinapakita mo sa buong mundo ang husay, tapang, at determinasyon ng Pilipino,” pahayag ni Dy.
Ayon sa House Speaker mula Isabela, ang panalo na ito ni Eala ay tunay na maipagmamalaki ng buong bansa at nagsisilbing tunay na inspirasyon sa mga kabataan na magpursige para sa katuparan kani-kanilang pangarap.
“You are not only winning matches—you are winning hearts around the world and inspiring countless young Filipinos to dream big and believe in what they can achieve,” sabi pa ni Speaker Dy.
Tiniyak naman ng House Speaker ang higit pang lumalakas na suporta ng buong sambayanang Filipino sa patuloy na pagsabak ni Eala sa Wimbledon
“Laban lang, Alex! Kasama mo ang sambayanang Pilipino sa bawat hakbang ng makasaysayang kampanyang ito. Nandito kaming lahat, buong pusong sumusuporta sa’yo.”
