
TALIWAS na ipinagmamalaking asenso ng pamahalaan, pumalo sa panibagong record-high na P16.31 trilyon ang utang ng Pilipinas.
Base sa datos ng Bureau of Treasury (BTr) noong buwan ng Enero, lumalabas na muling nadagdagan ng P261.47 bilyon ang kabuuang pagkakautang ng Pilipinas mula sa mga financial institutions sa loob at labas ng bansa.
Tumaas umano sa P11.08 trillion ang tinatawag na domestic debt o utang panloob, habang umakyat naman sa P5.23 trillion ang utang panlabas ng gobyerno.
“The month-over-month rise in debt stock was due to the net incurrence of new domestic and external debt, as well as the impact of peso depreciation against the US dollar from P57.847 at the end of 2024 to P58.375 at the end of January 2025,” paliwanag ng BTr.