HINDI pa man nahuhulusan ang mga mamamayan sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), isang panibagong utang ang inaasahang pagtitibayin ng pamahalaan sa bisa ng isang kasunduan sa pagitan ng World Bank at Department of Agriculture.
Pag-amin ni Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel, nagpulong na ang mga kinatawan ng kagawaran at World Bank para sa P58-billion loan application sa layunin pondohan ang limang-taong Philippine Sustainable Agricultural Transformation (PSAT) Program.
Positibo naman si Laurel na ganap na aaprubahan sa Hulyo ng World Bank ang bagong pautang para paunlarin at palakasin ang sektor ng agrikultura sa pagpasok ng ikalawang bahagi ng taon..
“While the level of agricultural support provided by the government is high in international terms, its growth impact is blunted by the production- and trade-distorting effects of the policy instruments used,” saad sa isang bahagi ng pahayag ng World Bank.
Pinuna rin ng World Bank ang anila’y sobrang dami ng mga kawanihan at government-owned and controlled corporation (GOCC) sa ilalim ng kagawaran.
Sa datos ng DA, may walong bureaus, 10 attached agencies, pitong attached corporations, at labinlimang regional field offices ang DA.
