MAGKATUNGGALI na lang ang kulang para sa pinananabikang bakbakan sa pagitan nina Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III at Davao City acting Mayor Baste Duterte pagsapit ng Linggo (Hulyo 27) sa hudyat ng alas 9:00 ng umaga.
Batay sa impormasyong nakalap ng Saksi Pinas, kasado na ang boxing ring sa Rizal Memorial Coliseum para sa charity boxing match ng hepe ng pambansang pulisya at alkaldeng anak ni former President Rodrigo Duterte.
Hulyo 20 nang hamunin ni Duterte ng suntukan si Torre. Makalipas ang tatlong araw, ringgap ng heneral ang hamon ng Davao City Mayor.
Pero sa halip na tumugon, lumipad nito lamang nakaraang Biyernes si Duterte patungo sa bansang Singapore kasunod ng paghahayag ng kondisyon para matuloy ang boksing.
Ayon kay Duterte, hindi niya uurungan si Torre. Gayunpaman, kailangan muna aniyang hikayatin ng PNP chief si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang halal na opisyales ng pamahalaan na sumailalim sa hair follicle drug test. (EDWIN MORENO)
