PARA sa Toll Regulatory Board (TRB), hindi katanggap-tanggap ang pagkaparalisa ng North Luzon Expressway (NLEX) bunsod ng pagbaha sa toll road.
Sa isang kalatas, pinagpapaliwanag ng TRB ang NLEX Corp. na nangangasiwa sa expressway patungo sa hilagang bahagi ng Luzon.
Ayon sa TRB libo-libong moltorista ang na-stranded dahil sa malalim na baha sa ilang bahagi ng expressway, partikular sa Balintawak at Valenzuela City.
Samantala, kinumpirma ng NLEX Corp. ang paglabas ng show-cause order ng TRB laban sa naturang kumpanya. Anila, sinagot na ng NLEX Corp. ang show-cause order mula sa naturang ahensya. (LILY REYES)
