HINDI na kailangan mangutang ng pamahalaan sa ibang bansa para sa modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) kung kukumpiskahin ang sandamakmak na air assets ng isang kongresista.
Pag-amin ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, mas marami ang air assets na pag-aari ng isang mambabatas na pinaniniwalaang nagtamasa ng husto sa mga ghost flood control projects ng gobyerno kesa sa bantay-dagat.
“While I do not accuse anyone of wrongdoing or guilt, it is disheartening to see a legislator possessing numerous air assets,” saad sa social media post ni Tarriela.
“Philippine Coast Guard is equipped with only three fixed-wing aircraft and two helicopters for our critical maritime domain awareness flight in the West Philippine Sea and across our nation’s maritime jurisdiction,” dugtong ng tagapagsalita ng PCG.
Gayunpaman, umaasa ang PCG at maging ang iba’t ibang sangay ng sandatahang lakas na mas magiging responsable ang administrasyon sa pamamahala sa kaban ng bayan.
“Under this administration and the leadership of Senator [Panfilo Lacson], I firmly believe we can usher in a new era where things will no longer be business as usual. We need to hold those who have stolen money from our national budget accountable,” aniya pa. (ESTONG REYES)
