SA sobrang sikip at dami ng mga presong “nagbabakasyon” sa loob ng piitan, hindi maiiwasan magkahawaan ang mga persons deprived of liberty (PDL) sa loob ng Pasay City Jail.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Commission on Human Rights (CHR), umabot na sa 400 preso sa Pasay City Jail ang tinamaan ng nakakahawang tuberculosis (TB).
“TB is a highly contagious disease that poses a serious health risk, particularly in overcrowded and poorly ventilated environments such as prisons. The high number of suspected TB cases among PDLs at Pasay City Jail highlights a critical public health issue that necessitates immediate and comprehensive action,” babala ng CHR.
Para sa CHR, higit na angkop na matugunan agad ng pamahalaan ang banta sa kalusugan ng mga bilanggo sa naturang piitan na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Panawagan ng CHR sa BJMP, solusyonan ang suliranin sa piitan at protektahan ang kapakanan ng mga presong anila’y may karapatan din tulad ng mga nasa laya.
Sa datos na nakalap ng Saksi Pinas, umabot na sa 1,600 ang populasyon ng Pasay City Jail na nakadisenyo lang para sa 120 katao.
“The Commission remains steadfast in its mandate of protecting the rights of all individuals, including those who are in conflict with the law,” garantiya ng CHR.
