Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
SA kabila pa ng bantang kalakip ng bagong polisiya ng China, tiniyak ng pamunuan ng Kamara de Representantes na bibigyan ng sapat na proteksyon ng pamahalaan ang mga Pilipinong maglalayag sa West Philippine Sea pata mamalakaya.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, walang dahilan para mangamba ang mga Pilipinong mangingisda lalo pa’t kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawin lahat ng gobyerno para protektahan ang mga Pilipino sa kapatagan man, kalunsuran, kanayunan at maging sa karagatang pinagkukunan ng kabuhayan.
“President Marcos will do everything it can to protect our fishermen in pursuing their economic and livelihood activities within our exclusive economic zone, including Bajo de Masinloc near Zambales and Pangasinan,” wika ni Romualdez kasabay ng taunang paggunita ng National Fisherfolks Day.
Binanggit din ng Leyte solon ang pahayag ng Chinese Foreign Ministry na nagsabing walang dapat ikabahala ang Pilipinas sa bagong polisiya ng China laban tinawag nilang “trespassers.”
“We will use all the powers we have to keep them safe,” dugtong pa ni Romualdez, kasunod ng panawagan sa China para tigilan ang pagbabanta sa mga Pilipinong umaasa sa pangingisda sa karagatang pasok sa 200-nautical mile Philippine exclusive economic zone.
“Our countrymen cannot be considered trespassers. It is the Chinese and other foreigners illegally entering our maritime waters under international law who will be treated as intruders,” bwelta ni Romualdez sa China.
