ISANG mahaba-habang welga ang niluluto ng isang transport group matapos tablahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinagtibay ng resolusyon ng Senado sa hirit na suspensyon sa implementasyon ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Mungkahi ni Mar Valbuena na tumatayong lider ng grupong Manibela kay Marcos, tugunan muna ang mga usaping bumabalot sa public transport sector bago pa man tuluyang isulong ang PUV modernization program ng gobyerno.
Sakaling hindi pa rin umano pakinggan ang gulog ng hanay ng mga operator at drivers na apektado ng PUV Modernization Program, tuloy ang malawakang tigil-pasada sa Miyerkules, Agosto 14 hanggang Biyernes,, Agosto 16.
“Maaaring sa susunod na linggo kami magkasa ng mga protesta,” wika ni Valbuena.
