PANSAMANTALANG suspendido ang operasyon ng Light Rail Transit – Line 1 tuwing weekends sa susunod na tatlong linggo.
Sa isang kalatas, nilinaw ng Light Rail Manila Corporation na higit na kailangan paspasan ang paghahanda sa pagbubukas ng Phase 1 ng LRT-1 extension na babagtas mula sa Baclaran station hanggang sa karatig lalawigan ng Cavite.
Inaasahan ang pagsipa ng LRT-1 extension bago matapos ang taon.
Ayon sa pangasiwaan ng LRT-1, tigil muna ang biyahe mula sa Fernando Poe Jr. Station hanggang Baclaran Station sa Agosto 17 hanggang 18, Agosto 24 hanggang 25 at Agosto 31 hanggang Setyembre 1.
“The temporary closures will result in long-term convenience once the extended LRT1 line becomes operational,”
