HINDI balakid ang rehas para makapagtapos ng kolehiyo, ayon sa pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) matapos simulan ang klase sa hanay ng 72 persons deprived of liberty (PDL) mula sa Manila City Jail.
Sa ilalim ng PUP Open University system, kursong business administration ang target tapusin ng mga tinaguriang bilibid boys.
Nagsimula nang mag-aral ang 72 persons deprived of liberty (PDL) ng business administration sa pamamagitan ng PUP Open University system.
Sa kalatas ng PUP, hindi anila dapat ipagkait sa mga indibidwal na pinaniniwalaang nagkasala sa batas, sa paniwalang angkop na paghandaan pa rin ang kanilang araw ng paglaya.
“Layon ng PUP Open University System bigyan ng pag-asa ang mga bilanggong may karapatan pa rin naman sa edukasyong susi ng magandang kinabukasan pagdating ng takdang araw ng kalayaan.”
Plano rin ng naturang pamantasan palawakin ang oportunidad sa iba pang bilangguan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
