Ni ROMEO ALKAN BUTUYAN
AMINADO ang mga kongresista na hindi makukuha ng Kamara ang kustodiya ng Chinese national na si Guo Hua Ping alyas Alice Leal Guo hanggat hindi nakakapaglagak ng piyansa para sa kasong graft na isinampa ng Ombudsman sa sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac.
Mataapos muling i-cite in contempt ng quad committee ng Kamara si Guo dahil sa pagsisinungaling, nagtanong si Abang Lingkod partylist Rep. Joseph Stephen Paduano kung bakit hindi nagpiyansa si Guo na kung tutuusin aniya’y kayang-kaya naman maglagak ng P180,000 bail bond.
Sagot ni Guo, kahit na magpiyansa ay mananatili pa rin naman siya sa kulungan dahil sa contempt order ng Senado.
“It is a deliberate move from you. Hindi kayo nagbail kasi mas gusto mong naka-detain doon sa PNP Custodial Facility kaya hindi kayo nag-bail. Ayun yung totoong nangyari doon,” giit ni Paduano.
“Aka (Alyas) Alice Guo billions tapos hindi makapag-bail ng P180,000. You’re fooling this country you’re fooling the Filipino people,” dagdag pa ng solon.
Sa pagkabugnot, naghain ng mosyon si upang ma-cite in contempt si Guo dahil sa paglabag sa Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislations.
Agad naman inaprubahan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chairperson ng quad committee, ang mosyon matapos na walang tumutol.
Sumunod na mosyon ni Paduano na ikulong si Guo hanggang sa maaprubahan ng plenaryo ang gagawing report ng komite kaugnay ng imbestigasyon.
“Question of jurisdiction because Alice Guo is now in the custody of the PNP Custodial Facility will be discussed after the hearing,” dagdag ni Paduano.
Isa din sa mga mungkahi ang ikulong na lang ang kontrobersyal na “First Chinese mayor in the Philippines Bamban sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong sa halip na sa detention facility ng Kamara de Representantes.
