MATAPOS ang magkakasunod na rollback, biglang bawi ang mga kumpanya ng langis sa bisa ng ipapataw na dagdag-presyo sa kada litro ng krudo.
Sa abiso ng Shell Philippines at Seaoil, P1.20 ang ipinataw na dagdag sa presyo ng kada litro ng krudo habang 70 sentimos naman ang ipinatong sa kerosene.
Hindi naman gumalaw presyo ng gasolina sa merkado.
Ganap na alas 6:00 kaninang umaga ipinatupad ang price adjustment sa mga pubmping stations.
Paliwanag ng Department of Energy, karaniwang sanhi ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ang kalakalan sa pandaigdigang pamilihan, gayundin ang lakas ng piso kontra dolyar.
