PAGKATAPOS ng unos, gutom naman ang nakaamba sa libo-libong pamilya ng mga mangingisda mula sa mga lalawigan ng Zambales at Sorsogon bunsod ng kabi-kabilang fishkill na naitala dahil di umano sa pagligwak ng uling na karga ng mga tumagilid na coal barge.
Panawagan ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), paspasan ang phaseout sa paggamit ng fossil fuels kasabay ng mas mataas na antas ng pangangalaga sa karagatan.
Base sa ulat ng CEED, nangitim ang karagatan sa Sorsogon matapos tumagilid ang isang coal barge sa Barangay Bucal Bucalan sa Sorsogon City. Ang resulta — nangamatay ang mga isda, nasira ang marine ecosystem at naapektuhan ang kabuhayan ng mga mangingisda.
Sa Zambales, sumadsad ang isang barkong kargado ng 11,000 toneladang coal na lubos na nakakaapekto sa Masinloc-Oyon Bay Protected Seascape and Landscape.
Pasok sa kategorya ng marine protected area ang Masinloc-Oyon Bay Protected Seascape and Landscape.
Maging ang militanteng grupo ng ACT Teachers partylist, dismayado sa kawalan ng aksyon ng pamahalaan.
Ayon kay former ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio, malaking epekto sa mga komunidad ng mangingisda, marine ecosystem, at kalusugan ng publiko ang nangyaring coal spill sa mga nabanggit na lalawigan.
“As we are still conducting relief operations in Bicol in the aftermath of Severe Tropical Storm Kristine, we are now confronted with these environmental disasters that threaten the livelihood of our fisherfolk and the integrity of our marine sanctuaries,” ayon kay Tinio.
“These incidents expose the inherent dangers of our continued dependence on coal. Not only does coal contribute to climate change when burned for energy, but its transportation also poses severe risks to our communities and environment. Our fisherfolk, who are already struggling due to recent typhoons, are now faced with the prospect of long- term damage to their fishing grounds,” ani Tinio.
Hirit ng dating solon, agarang pagwawakas sa paggamit ng mapaminsalang ulit para lumikha ng enerhiya, kasabay ng hirit na paspasan ang mga programang nagtutulak sa renewable energy.
“These disasters underscore the need to phase out coal dependency and shift to sustainable energy alternatives. We cannot continue putting our communities and environment at risk for the sake of dirty energy.”
